Negosyante dedo sa 2 armado
Pabs Hernandez III
Apr 12, 2019
1 min read
ALBAY—Isang negosyante ang binaril at napatay ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Joroan, Tiwi sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ramon Cullat, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang abala si Cullat sa pagtitinda ng karne sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments