Misis, 'di nakapagpigil, pumatol… SIGAW NG NETIZEN: SEN. CHIZ, MASYADO NANG MASYONDA PARA KAY H


DOES age really matter?
Sa showbiz, usung-uso ang May-December affair. Perfect example sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan, Eula Valdez at Rocky Salumbides, so, ano’ng kaibahan sa kanila nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista?
Chiz is 49 and Heart is 34. So, 15 years ang age gap nila.
But they seem happy together. At may narinig na ba tayong nag-away ang magdyowa o nagkaroon ng LQ na muntik nang maghiwalay? ‘Di ba, wala naman?
So, ano kaya’ng problema ng isang basher ni Heart na nag-comment na ‘too old’ na si Sen. Chiz para sa sophisticated niyang misis?
Buti na lang, may class talaga si Heart kaya sagot lang nito sa basher, “He is old and you will be too one day. So be kind.”
Oo nga naman!





Comments