Mga sasakyan sa impounding ng MTPB, nasunog
- Mylene Alfonso
- Apr 12, 2019
- 1 min read

TINATAYANG aabot sa 20 sirang sasakyan na karamihan ay pawang mga government service vehicle ang tinupok ng apoy habang nakaparada sa impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), kahapon ng madaling-araw sa Malate, Manila.
Ayon sa Manila Police District (MPD), alas-3:30 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa impounding area ng MTPB na matatagpuan sa tabi ng Harrison Plaza sa F.B. Harrison St., Malate dahilan para madamay ang mga nakaparadang sasakyan.
Kabilang sa mga nasunog ang mga sirang mobile car.
Agad kumalat ang apoy dahil may gasolina pa ang ilan sa mga sasakyan at kinailangan pa itong gamitan ng kemikal na pamatay-sunog para tuluyang maapula.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
Nabatid na aabot sa P50,000 ang halaga ng mga sasakyan ang natupok.
Comments