KathNiel, LizQuen at JoshLia, no match pa rin… VICE AT COCO, PINAKASIKAT NA ARTISTA NG DOS
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 1 min read

KUNG pagbabasehan ang exposure at impact nila sa tao at ang box office success ng kanilang mga pelikula, masasabing sina Vice Ganda at Coco Martin ang pinaka-prized possession ngayon ng ABS-CBN.
Kaya naman hindi nakapagtataka na malakas ang kanilang impluwensiya at hindi sila basta-basta matitinag sa kanilang puwesto.
Patuloy na nag-aakyat ng milyones sa ABS-CBN ang programang Ang Probinsyano. At si Vice Ganda, hindi pa rin natitinag ang kanyang box office appeal at siya rin ang pambato sa programang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.
Kahit maraming detractors at bashers si Vice, still, hindi pa siya kayang palitan sa kanyang puwesto in the next two years!
Ang ibang artista ng ABS-CBN na malakas din ang karisma sa mga tao ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Julia Barretto, Liza Soberano at Enrique Gil.
Ganunpaman, hindi pa nila kayang pantayan ang hatak nina Coco at Vice, na kering mag-demand ng VIP treatment mula sa kanilang network.





Comments