HOROSCOPE | ABRIL 12, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 12, 2019 (Biyernes): Angat na angat ka kaysa sa karamihan at mas aangat ka kaysa sa mga angat. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mong nakasayad ang iyong mga paa sa lupa, ibig sabihin, magpakumbaba ka kahit mas mataas ka kaysa sa mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-20-23-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga hindi mo na ginagamit, ito ang sikreto ng kapalaran mo nang sa gayun ay dumating sa buhay mo ang mga bagong oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-22-24-30-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong hintayin ang matagal magpasya. Hayaan mong siya ang maghabol para mapabilang ka sa mga makikinabang sa masusuwerteng pangyayaring iyong mararanasan ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-16-29-42.
CANCER (June 21- July 22) - Kung nasaan ang pagkakasundo at pagbibigayan, du’n ka lumagay. Walang mabuting napapala ang taong walang tigil sa pakikipaglaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-15-20-25-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang araw na ito kung saan puwede pang umangat ang iyong kabuhayan. Magsaya ka at maglibang, pero hindi ka dapat masobrahan sa paglalakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-17-20-28-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit saan ka mapunta, talasan mo ang iyong isip nang sa gayun ay makakuha ka ng mga ideya na puwedeng magpaunlad sa buhay mo. Ang nagdaragdag ng kaalaman ay mas gumaganda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-27-30-45-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapaimpluwensiya sa mga palaangal, paladaing at iyakin. Kahit kailan, walang magandang mangyayari sa kanilang buhay kundi ang magreklamo nang magreklamo lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-17-23-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo, pero huwag mong ikalungkot kapag ang mga suwerte mo ay parang kumukupas. Kukuha lang ang mga ito ng bagong lakas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-20-27-41-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kaya kung ano ang gusto mong maging kapalaran, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Muli, hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-24-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari sa buhay ng bawat tao. Tulad ngayon, muling magbabalik ang mga araw kung kailan ka masuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-25-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumasaya ang paligid at nawawala ang init kapag ang hangin at tubig ay naghaharutan. Ganito ang nagaganap sa tabin-dagat at ilog. Sasaya ang kapalaran mo kapag may kalaro ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-15-26-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi totoong magandang mabuhay sa tabin-dagat. Hindi ka makatutulog sa ingay ng mga alon. Lumayo ka sa taong naiingayan ka. Hindi mapapayapa ang iyong isip at diwa kung hindi mo ito gagawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-28-30-35-39.




Comments