top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

FB groups na nagpapakalat ng fake news tatanggalin, DDS kinakabahan na naman? Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2019
  • 2 min read

P-DUTERTE, ATRAS SA GIYERA SA CHINA, PERO PALABAN SA GIYERA SA MGA PINOY—Sa tuwing matatanong ng media si P-Du­terte tungkol sa mga barkong pandigma ng China na nasa teritoryo ng Pilipinas, ang palaging tugon ng pangulo ay ayaw daw niyang maki­paggiyera sa China.

Pero, nang mabatikos ng oposisyon ang mga maling polisiya ng kanyang gobyerno ay nagngingitngit sa galit si P-Duterte na nagbantang magdedek­lara ng “revolutionary war” sa loob ng bansa kapag hindi tumigil ang kanyang mga kritiko sa kababatikos sa kanyang gobyerno.

‘Yan ang pangulo ng Pilipinas, mas trip giyerahin ang mga Pilipino kaysa sa China na sumakop sa West Philippine Sea (WPS), buwisit!

◘◘◘

KABASTUSAN SA PUBLIKO, NAGPAPATAAS SA RATING NI P-DUTERTE?—Dalawang araw matapos ibida ni P-Duterte sa publiko ang mga kabastusan nito ay naglabas ng survey ang Social Weather Stations (SWS) na tumaas daw ng 6% ang rating ng pangulo.

Hay naku, kulang na lang sabihin ng SWS na nagustuhan ng taum­bayan ang kabastusang sinabi sa publiko ni P-Duterte kaya hataw na naman sa taas ang rating ng pangulo, boom!

◘◘◘

TAGILID NA NAMAN ANG MGA DDS SA FB—Inihayag ni Facebook Vice-President of Integrity Guy Rosen na tatanggalin na rin nila ang FB groups na nagpapakalat ng pekeng impormasyon sa publiko.

Naku, tiyak kakaba-kaba na naman ang mga DDS kasi malamang, kabilang ang mga “DDS group” sa nagpapakalat ng maling impormasyon o pekeng balita sa social media, he-he-he! Abangan!

◘◘◘

KANDIDATONG KILALA LANG ANG TAUMBAYAN KAPAG ELEK­SYON, IBA­SURA!—Halos apat na linggo na lang ay eleksiyon na.

Kaya ang panawagan natin sa publiko, iboto ang kandidatong marunong kumilala sa tao at ibasura ang kandidato na kilala lang ang mamamayan kapag kailangan ang kanilang boto, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page