top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

7 timbog sa pagnanakaw

  • Maeng Santos
  • Apr 12, 2019
  • 1 min read

PITO katao kabilang ang tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado matapos magnakaw ng mga gamit na nagkakahalagang P130,310 sa industrial corporation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/ Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Micheal Amigo, 42; Lazaro Tapang, 37; Christopher Viñas, 30; Carlos Viñas, 22; Joven Legaspi, 21; Roy Cualbar, 23, pawang mga residente ng Bgy. Santolan at Sonny San Diego, 25, ng Bgy. Maysilo.

Ayon kina PSMSgt. Joselito Bagting at PSSgt. Richard Andrew Calaucay, alas-6:45 ng gabi nang nakawin ng mga suspek ang 128 piraso ng base jack na nagkakahalagang P61,440 at 142 piraso ng U-head na nasa P68,870 sa Tanaeki Industrial Corporation sa M.H del Pilar, Bgy. Santolan.

Humingi naman ng tulong sa pulisya si Yvette Tiburcio, 39, secretary ng naturang korporasyon kung saan naaresto ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng PCP-1, Intelligence at Follow-up Operatives.

Nang kapkapan, nakuhanan ng tatlong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu sina Amigo, Tapang at Christopher dahilan para madagdagan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang kasong qualified theft na kahaharapin ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page