46-anyos na PWD ni-rape ng pinsan

PORMAL na nagsampa ng kasong panggagahasa ang 46-anyos na PWD sa pulisya sa kanyang pinsan sa bahagi ng Catanauan, Quezon.
Batay sa salaysay ng biktimang si alyas Weng, pasado alas-5:00 ng hapon, habang abala siya sa pagluluto para sa hapunan nang biglang dumating ang suspek na si alyas Roy, may sapat na gulang.
Agad umano siyang hinatak nito saka pinilipit ang kanyang braso bago dinala sa kanyang bahay at doon na hinalay.
Lakas-loob nitong ipinagtapat sa kanyang ina ang sinapit sa pinsan nito kaya’t agad itong humingi ng tulong sa pulisya.





Comments