16 yrs. old kinatay, mukha binalatan, chatmate umamin | MOMO CHALLENGE STRIKES AGAIN
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang ikalawang suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan na umano’y nagbalat ng mukha ng biktima dahil sa ‘Momo Challenge’.
Kinilala ang ikalawang suspek na si Renato Llenes, 42.
Kuwento ng suspek, nakipagkaibigan ito kay Silawan gamit ang FB account na may pangalang CJ Diaz at nagkasundo silang magkita noong Marso 10 sa Sacred Heart Parish sa Bgy. Pajac.
Dagdag pa ni Llenes, nadismaya ang biktima nang makita siya nito dahilan para mag-walkout ito.
Hinabol ng suspek ang biktima hanggang sa makarating sa bakanteng lote sa Bgy. Bankal kung saan natagpuan ang bangkay ni Silawan.
Niyaya umano ni Llenes na makipagtalik ang biktima ngunit, tumanggi ito dahilan para magalit ang suspek at pinagsasaksak ang dalagita gamit ang gunting.
Pagkatapos nito, binalatan niya ang mukha ng biktima upang hindi makilala. Natutunan umano ito ni Llenes dahil sa napapanood na videos sa Facebook hinggil sa kontrobersiyal na Momo Challenge.
Humingi ng tawad ang suspek sa pamilya ng biktima at sinubukan niyang magtago ngunit, nagdesisyong umamin sa krimen dahil binabagabag siya ng kanyang konsensiya. (BRT)





Comments