14 pamilya ang nakatira | LUMANG BAHAY GUMUHO
- Mylene Alfonso
- Apr 12, 2019
- 1 min read

BUMIGAY ang isa sa limang magkakadikit na lumang bahay na umano'y dating Madona Maternity Hospital, kamakalawa ng gabi sa Binondo, Manila.
Alas-7:30 ng gabi nang gumuho ang nasa dulong bahagi ng lumang bahay na matatagpuan sa Veronica corner Reina Regente Sts., Binondo, Manila.
Ayon kay Bgy. 288, Zone 27 Chairman Bernard Go, ang nabanggit na lumang bahay ay pag-aari umano ng isang William Ching.
Wala namang nasaktan sa 14 pamilya na nakatira sa nabanggit na lumang bahay nang maganap ang pagguho.
Napag-alaman na inaanay na ang mga kahoy kaya tuluyan itong bumigay.





Comments