‘Di nakabayad ng utang | INTSIK DINUKOT, IKINULONG SA CONDO

NAKALIGTAS mula sa kamay ng mga dumukot ang Chinese national nang kidnapin at ikulong ng dalawang araw dahil hindi nakabayad ng utang, kamakalawa sa hotel-casino sa Parañaque City.
Kinilala ang biktimang si Hang Gouhong, 28, binata, nanunuluyan sa Icon Hotel sa Macapagal Ave., Bgy. Don Galo.
Ayon kay Parañaque City Police Chief P/Colonel Jojo Rosales, base sa reklamo ng biktima, kinidnap umano siya ng hindi kilalang mga lalaking nagpapautang sa casino mula sa Solaire Resort and Casino.
Ikinuwento nito na ikinulong siya ng mga suspek ng dalawang araw sa condominium sa Multinational Village, Bgy. Moonwalk.
Noong Miyerkules, alas-3:00 ng hapon nang makatakas ang biktima mula sa mga kidnaper at nagtungo siya sa himpilan ng pulisya para humingi ng tulong.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.





Comments