Pumalag na karnaper tepok
ISABELA—Isang wanted na karnaper ang napatay nang manlaban at tutukan nito ng baril ang pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Jose Norte, Mallig sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Edwin Battung, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Battung kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping, pero bigla itong pumalag at tinutukan ng baril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad pinagbabaril ng pulisya ang suspek na naging dahilan ng kamatayan nito.





Comments