PINOY PACIO, BABAWIAN ANG HAPON SA ONE C’SHIP

“BABAWI ako at ipaghihiganti ko ang aking pagkatalo sa kanya noong nakaraang Enero. Nag-ensayo at naghanda ako nang husto dahil gusto kong makaganti at mabawi ko uli ang aking korona. Hindi ako makakapayag na mabigo muli sa harap ng aking mga kababayan na umaasa sa aking tagumpay.”
Ito ang matapang na sinabi ni dating champion Joshua Pacio matapos ang faceoff nila ni Japanese Yosuke Saruta na ginawa sa City of Dreams sa araw ng pagdiriwang ng “Araw ng Kagitingan” kung saan sasariwain nila ang labanan ng Pilipinas at Japan noong World War II hindi sa baril kundi sa ring.
Haharapin ni Pacio si Saruta sa five rounds “grudge fight” sa labanang “survival of the fittest” kung saan ang ibang magkakalaban ay nagpatutsadahan sa isa’t-isa na idaraos sa Abril 12 sa Mall of Asia Arena.
Sinabi ng 23-anyos na si Pacio, tubong Benguet at kababayan ni dating kampeon Eduard Folayang na pinaghandaan niya ito nang husto at gusto niyang ipaghiganti ang kanyang pagkatalo at bawiin muli ang kanyang korona na inagaw sa kanya noong nakaraang Enero. Itataya rin ni Australian residence Vietnamese born Martin Nguyen ang korona sa featherweight laban kay Jadamba Narantungalag sa 5 rounds na sagupaan.





Comments