Parak tinodas ng 2 kagawad
- Pabs Hernandez III
- Apr 11, 2019
- 1 min read
PANGASINAN—Isang pulis ang namatay nang barilin ng dalawang kagawad ng barangay sa San Carlos City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Cpl. Rogeron Ramirez, nakatalaga sa Police Regional Office 1 at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa harap ng kanilang bahay si Ramirez ay bigla itong nilapitan at pinagbabaril ng mga suspek na sina Kagawad Jose de Guzman at Kagawad Diosdado Castro, kapwa nakatira sa nasabing lugar.
Kaagad namang nadakip ang dalawang suspek na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan sila upang mabatid ang motibo sa naganap na krimen.





Comments