PAKABOG ANG BULACAN AT CALOOCAN SA CBA


Photo: runrio
MAAGANG nagdiwang ang Bulacan ng National Heroes’ Day nang pumoste ng 89-83 win laban sa Valenzuela sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup North Division basketball tournament na idinaos sa Gapan City gym noong Linggo.
Malakas na laro ang ibinigay ni CBA “Best Player of the Month” awardee Marlon Monte nang gibain ng Estong Ballesteros-mentored Heroes nang madalian ang katunggali tungo sa ikalimang panalo sa anim na laro. Nakagawa si Monte, ang pride ng Guiguinto, Bulacan, ng 14 puntos at 5-of-11 shooting para sa Heroes na lumagare ng 25-14 at 52-33 advantage sa unang dalawang peryodo.
Dumagdag si Alexander Mohammad ng 14 points at 9 rebounds, umambag si JP Pama ng 12 points habang si Richard Velchez ay may 10 points para sa Heroes. Kumana si Veteran Floyd Dedicatoria na double-double 22 points at 12 rebounds pero nabalewala nang matalo ang Valenzuela.
Sa iba pang laban, nahirapan muna ang Caloocan bago tinalo ang Novo Ecijano, 104-97, para sa ikalawang panalo sa tatlong laban. Umalagwa si Junjie Hallare at Clarence Tiqui ng 1-2 punch para sa Saints sa pinagsama nilang 44 points sa kabila ng mahigpit na depensa ng Novo Ecijano. Tumapos si Hallare ng 24 points at seven rebounds. (MC)





Comments