OFW, bawal sa Libya

NAGDEKLARA ng total deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Libya.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, kaugnay ito sa patuloy na kaguluhan at karahasan sa nasabing bansa.
Ang pagdeklara ng total deployment ban ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3 sa Libya.
Sa ilalim nito, paiiralin ang Voluntary Repatriation sa mga Pilipino na naroroon.
Ayon sa DOLE, nasa isanlibong Pinoy ang nasa Libya, kabilang ang mga nagtatrabaho at nakatira na sa nasabing bansa.





Comments