top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga Intsik nasa paligid na ng Palawan, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 11, 2019
2 min read

NASA paligid na ng Pag-asa Island sa Palawan ang mga Tsino.

Kumbaga, ilang kilometro na lang ang layo nila sa Co­ron!

◘◘◘

KINIDNAP ang kanang-kamay ng na­patay na mayor ng Tanauan City.

Illegal drugs din kaya ang motibo rito?

◘◘◘

ISANG malaking isyu ang illegal drugs, lalo pa at patuloy ang pagkakumpiska sa saku-sakong iligal na droga kasama ang cocaine.

Kamakailan, 40 bloke ng cocaine ang nasabat sa Surigao del Norte.

Malabo na tala­gang masugpo ang ipinag­babawal na gamot!

◘◘◘

KUNG hindi masu­sug­po ang illegal drugs, dapat bang itigil ang “war on drugs”?

Ang sagot ay ma­linaw na hindi!

◘◘◘

SA nakatakdang elek­siyon, dapat supor­tahan ang mga kandidato na susuporta sa “war on drugs”.

Isang desisyong ito na nasa mga kamay ng taumbayan!

◘◘◘

KUNG walang “war on drugs”, matutulad ang Pilipinas sa Mexico at Colombia.

Naghambalang ang mga patay dahil mis­mong mga sindikato ang nagpapatayan.

Bakit walang U.N. human rights advocates ang nagpupunta sa Mexico at Colombia upang imbesti­ga­han ang mga karu­mal-dumal na mga pagpatay?

◘◘◘

SA Pilipinas, malaki ang nabawas sa mga krimen na kinasasang­kutan ng mga adik.

Nabawasan din ang mga isnatser, holda­per, rapist, carnaper na karaniwang adik sa iligal na droga ang mga suspek!

◘◘◘

SA Metro Manila, saksi ang mamamayan sa pagkawala ng mga nagkalat na adik at tulak sa kalye.

Maging ang mga pulis na protektor ay naglaho rin!

◘◘◘

ISKOR din ni P-Di­gong ang malaking bawas sa bilang ng krimen.

Suportado ng ta­umbayan ang “war on drugs”.

Makikita ito sa resulta ng pinakahuling survey sa senatoriables.

Indikasyon na suportado ng taum­bayan ang giyera kontra iligal na droga!

◘◘◘

MAHALAGANG manatili ang seryosong paglaban sa illegal drugs kapag nawala na sa Malacañang si P-Di­gong.

Kasi nag-aabang lang sa labas ng Palasyo ang mga bigtime drug lord na maaaring finan­cers ng ilang kandi­datong kapanalig ng mga drug trafficker!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page