LRT walang biyahe mula April 18-21
- Madel Moratillo
- Apr 11, 2019
- 1 min read

SUSPENDIDO ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) sa Huwebes Santo, Abril 18, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 21.
Nag-abiso rin ang LRT Authority (LRTA) na paiikliin nila ang operating hours ng LRT 2 sa Miyerkules Santo.
Nabatid na ang huling biyahe ng tren ng LRT-2 mula Santolan, Pasig City, sa nasabing araw ay hanggang alas-7:00 ng gabi lamang habang alas-7:30 ng gabi ang last trip ng tren galing sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila.
Una nang nagpaabiso ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na simula sa Lunes Santo, hanggang Linggo ng Pagkabuhay ay suspendido ang kanilang operasyon para sa kanilang annual maintenance shutdown.
Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng tatlong mass railway system sa Abril 22, Lunes.
Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Parañaque City at pabalik, habang ang LRT-2 naman ang nagdurugtong sa Santolan sa Pasig City patungong Recto sa Maynila at vice versa.





Comments