top of page

Lalaki kinatay ng kapitbahay

  • Gina Pleñago
  • Apr 11, 2019
  • 1 min read

HINIHINALANG dating alitan ang sanhi ng pananaksak ng kapitbahay sa 52-anyos na lalaki na nasawi habang sugatan ang stepdaughter nito, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Dead-on-the-spot sanhi ng ilang tama ng saksak ang biktimang si Danilo Roda habang ginagamot sa Las Piñas Doctor’s Hospital dahil sa tama ng saksak sa katawan ang stepdaughter nitong si Julia Leopoldo, 21, kapwa ng Bgy. San Isidro ng nasabing lungsod.

Nasa Parañaque City Police detention facility naman ang suspek na si Roberto Francisco, 56-anyos.

Base sa ulat na nakarating kay Parañaque City Police Chief P/Col. Jojo Rosales, nangyari ang pananaksak alas-6:30 ng umaga sa naturang compound.

Bago ang insidente, napag-alaman na may dati nang away sina Roda at Francisco kung saan pinalalabas ng bahay at hinahamon ng suspek ang biktima.

Lumabas ang biktima upang kausapin ang suspek subalit, pinagsasaksak na siya nito at umawat ang stepdaughter ng biktima pero, inundayan din ito ng saksak.

Agad isinugod si Leopoldo ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital habang nadakip naman si Francisco.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page