Kagawad binaril sa batok, todas
- Maeng Santos
- Apr 11, 2019
- 1 min read

DEDO ang kagawad matapos barilin sa batok nang hindi pa nakikilalang gunman habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.
Dead-on-the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa batok si Bgy. Panghulo, Kagawad Dante Sih, 53, residente ng Luis St.
Matapos ang pamamaril, agad tumakbo ang gunman patungo sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat patungo sa Molawin St.
Ayon kay PSMS Joselito Bagting, alas-8:45 ng umaga, kukunin na ng biktima ang mga pinamiling gulay habang sakay sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa kahabaan ng Talipapa E. Rodriguez St., cor. Molawin St., nang mula sa likod ay nilapitan ito ng gunman saka pinaputukan sa batok.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril at isang sulat na may pamagat na “Armadong Pamamarusa” na iniwan ng suspek.
Ipinag-utos na ni Malabon Police Chief P/ Col. Jessie Tamayao ang follow-up operation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.





Comments