Ipinalit kay Miss U Catriona Gray… BAGONG BABAE NI CLINT, DATING FHM MODEL NA MAY-EDAD NA, MAY DALAG

Nitz Miralles / BIDA

KASAMA sa cast ng Love You Two si Clint Bondad na kailan lang, naging laman ng mga balita nang mag-viral ang video niya sa isang bar na may kahalikang babae na kinarga at dinala nito kung saan na hindi na ipinakita.
Ang sabi ng mga netizens, ang babae na older kay Clint ang ipinalit nito kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.
Sa pagso-“soco” ng mga fans, nalamang dating naging cover girl ng FHM ang girl at may anak na. Kasama pa nga ni Clint at ng kahalikang babae ang dalagang anak ng babae at siya ‘yung nakasunod kina Clint habang buhat-buhat nito ang babae sa bar.
Kung nasa presscon si Clint ngayong gabi, matatanong siya ng press tungkol sa babae.
Maganda ang role ni Clint bilang ang BF ng karakter ni Jennylyn na nakipag-break at nang-iwan dito. Second time na nilang magtambal dahil nag-guest na sila sa isang episode ng Dear Uge.





Comments