HOROSCOPE | ABRIL 11, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 11, 2019 (Huwebes): Hindi ka mabibigo sa iyong ambisyon kahit gaano pa ito kalaki. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagpapatuloy ang pagganda ng buhay mo. Ang mga pangyayari kung saan halos sumuko ka na ay makikitang gumagaan at mabilis na nalulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maganda ang takbo ng kabuhayan mo, ito ang pangako ng iyong kapalaran. Huwag mong kalilimutan na ang kapalaran kapag nangako ay katumbas na rin ng kasiguraduhang ito ay mangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-25-34-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Malalaki at mabibilis na kita sa negosyo ang nakaabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Sa halip na sumuko ka sa hamon ng iyong kapalaran, mas maganda kung susugod ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-13-21-26-34.
CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang mga kaganapan sa iyong buhay ngayon dahil ang sinasabi mong nilimot mo na ay magiging bahaging muli ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-20-22-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nabuhay ka na mayroong sobrang tiwala sa sarili, huli na bago mo mamalayang wala ka na palang kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-23-25-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaki pa ang iuunlad ng iyong kabuhayan kung ito ay iyong tututukan. Kapag sa iba mo ibinaling ang iyong lakas at isipan, masasayang ang magandang araw na ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-21-28-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matukso sa pagbili ng mga bagong kasuotan. Mas magandang tingnan mo muna ang pinaglalagyan mo ng mga damit at isuot mo ang mga hindi mo pa nagagamit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-23-38-41-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating muli ang takdang panahon para sa iyo na magsaya, maglibang at mamasyal nang mamasyal. Kahit pa manatili ka sa bahay, may bubulong sa iyo na ikaw ay lumabas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-27-31-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda na handa ka sa anumang gusto mong gawin. Ihanda mo ang mga kakailanganin mo sa pagpunta sa malayong lugar, mas magandang ngayon mo na ito gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-22-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagalingan sa karamdaman ang ibinabalita ng iyong kapalaran. Kaya ang iyong takot, pag-aalala at pangamba ay mapapalitan ng tuwa at kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-18-26-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng maluwag at magaang na damit, sa ganito ka bubuwenasin at ang magagandang kapalaran ay iyong mahahatak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-21-25-27-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo at turo ng mga nauna na sa iyo dahil higit na sila ang nakaaalam kung ano ang maganda at hindi sa negosyong iyong gustong simulan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-27-32.




Comments