First aid facilities at staff sa mga tourist destination, dapat lang!
- BULGAR

- Apr 11, 2019
- 1 min read

NAGSIMULA nang magkakulay ang mga drawing!
May mga post na sa social media ng bakasyon sa iba’t ibang lugar kasama ang pamilya, katrabaho at mga kaibigan.
Kasabay nito, nagbabala ang gobyerno sa mga tourist destination.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), posibleng ipasara ang mga accommodation facility na walang first aid staff.
Ito ay mandatory requirement sa mga DOT-accredited accommodation facility para sa pagresponde sa anumang uri ng insidente.
Nakasaad ito sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009.
Isa sa mga accreditation standard para sa Primary Tourism Enterprises (PTE) ay ang pagkakaroon ng first aid facility.
Kapag nasuspinde ang accreditation ng establisimyento, agad itong ipaaalam sa local government unit para mabigyan ng kaukulang parusa.
Napakahalagang bagay nito, lalo na at hindi naman napipigilan ang aksidente.
Mainam nang handa kaysa magsisi sa huli na puwede sanang nagawan ng paraan kung sinunod sa umpisa palang.
Kaya sa mga pamunuan ng mga tourist destination sa bansa, huwag pasaway, magkaroon ng first aid facilities at staff na may alam at mapagkakatiwalaan.
Sundin ang batas alang-alang sa kaligtasan ng mga bakasyunista at pinatatakbong kabuhayan.





Comments