Doktor binaril sa mukha, utas

ISANG doktor ang binaril sa mukha ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Sitio Pulo, Bgy. Bolbok, Batangas City.
Batay sa inisyal na ulat, pasado alas-5:00 ng hapon, nakatayo sa lugar ang biktimang si Florencio Tolentino, Jr., 69, may asawa nang barilin ng suspek gamit ang cal .45 bago ito tumakas.
Nadala agad ito sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay habang patuloy ang manhunt operation ng pulisya para madakip ang salarin.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo at nasa likod ng pamamaslang.





Comments