CARRY OVER SA PENTAFECTA

MATUTUNGHAYAN ngayong gabi ng bayang karerista ang pitong karera ng Additional One Win in Group Races kasabay ng carry over sa Pentafecta sa Race 4 ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Sa Race 1, magsisimula ang Winner Take All (WTA) na bibigyan ng panalo ang couple entry na Star of Matamis at Dance Lively, Riana, Felicity, No Matter What at Kid Kenshin. Sa pagsisimula ng Pick 6 sa Race 2, binibigyan ng malaking panalo ang Kingdom habang may tsamba ang Batang Rosario at Rafa.
Sa Race 3 magaganap ang Pick 5, ipinapatok ang couple entry na It’s My Birthday at High Rank at makakalaban ang Hello Junior at pandehado ang Rosario Princess. Susunod na magaganap ang Pick 4 sa Race 4, nakalalamang na kalahok ang Shire at makakalaban ng mahigpit ang Frozen at Gold Fisher.
Sa Race 5, nakalalamang ang Lockdown habang magiging banta ang kalahok na Happy Maggie at Jade Master. Sa Race 6, ipinapatok ang Manila Boy na makakalaban ng Summer Cruise habang ang Pabulong ay baka makadehado. Sa huling karera sa Race 7 makakalaban ng Beautiful Lady ang Raxa Bago at Golden Empire. Tip ni Mang Ding: Race 1- Entry No. 5 No Matter What (2) Riana (3) Felicity (4) Race 2- Kingdom (4) Batang Rosario (6) Race 3- Entry No. 2 Hello Junior (7) Race 4- Shire (4) Gold Fisher (7) Frozen (5) Race 5- Happy Maggie (6) Lockdown (1) Race 6- Manila Boy (4) Summer Cruise (1) Race 7-Beautiful Lady (1) Balicag (3) Golden Empire (6)





Comments