top of page
Pokwang.jpg

Ang mahalaga, eh, ang makapagpahinga ka, lodi! TIPS PARA SA MGA MAG- I-STAYCATION SA BAHAY

Justine Daguno
Apr 11, 2019
2 min read

‘IKA nga nila, “summer time is fun time”, pero sa sobrang init ng panahon, minsan, hindi na rin nakatutuwa. ‘Yung tipong naglakad ka lang ng ilang minuto sa ilalim ng sikat ng araw, eh, para ka ng nag-workout at nagpa-tan ng tatlong oras dahil super pawis at malapit nang mag-dark chocolate ‘yung kulay mo, kaloka! He-he-he!

Kaya para sa mga hindi bet ang magbilad o tumambay sa beach, resort at anumang pampublikong paliguan, no worries dahil narito na ang ilang indoor activities na keri nating i-try para masulit pa rin natin ang summer vacation:

1. PLAY BOARD GAMES. Ang board games ang isa sa mga tinaguriang “old but gold” na uri ng libangan. Marahil, karamihan sa atin ay nakaranas ng mag­laro nito tulad ng chess, game of the generals, monopoly o snakes and ladder man ‘yan. Super masaya ito, lalo na kung kasama natin ang ating mga kaibigan, kapatid, pinsan o sinuman. Good ito dahil makapag-e-enjoy at makaba-bonding na natin ang ating loved ones, mae-exercise pa natin ang ating brain. Ayos din!

2. SUMMER READING. Para sa mga momshie natin diyan, magandang pagkakataon ang summer vacation para sa mga bagets para turuan sila sa pagbabasa. Sobrang oks kung magiging habit ng mga bata ang pagbabasa, pero tandaan na huwag natin silang i-pressure, kumbaga, chill lang dapat ‘yung pamamaraan natin. Gayundin, bukod sa pagbabasa ng books at textbooks, i-introduce rin natin sa kanila ang mga pambatang magazine, at least, hindi lang sila hihilata o lalabas ng bahay dahil may makabuluhang bagay silang pagkakaabalahan. Okidoki?

3. SET-UP A TENT INSIDE . Shoutout sa mga gorang-gora ng mag-camping, pero tinatamad o busy sa work. Sa totoo lang, hindi lang pang-outdoor ang camping kundi pang-indoor din. Kung mayroon kayong malaking space sa bahay o may kalakihan ang kuwarto ninyo, eh, sobrang keri ito dahil simpleng set-up lang ng tent ay may instant “camping” na tayo sa loob ng bahay. Oks ito dahil hindi lang tayo makatitipid ng pera at panahon kundi pati na rin ng lakas dahil hindi tayo maha-hassle sa biyahe o matinding traffic.

4. MAKE FROZEN ICE POPS. Well, sino ba ang ayaw magpa­lamig ngayong tag-init? Isa pang bagay na masa­yang gawin ng mamshies at anakshies nga­yong summer sa loob ng bahay ay ang paggawa ng ice pops. Mara­ming flavor ang puwede ninyong i-try tulad ng banana, apple, watermelon at iba pa na sure na healthy at refreshing ta­laga. Isa pa, kung marami kayong panahon, why not gumawa ng yelo tapos tamang tinda lang ‘pag may time, ‘di ba? Hindi lang kayo nakapag-bonding kundi kikita pa kayo ng pera. He-he-he!

5. HAVE A MOVIE PARTY. Kasabay ng summer season, napakaraming summer movies ang puwede nating panoorin. Panigurado, quality time talaga ito para sa pamilya, barkada at may dyowa kaysa magpaka-haggard sa labas, mag-movie party na lang kayo, ganern!

Kani-kanya tayo ng pagtanggap sa “summer season”, marami ang nag-e-effort mag-out-of-town, kabi-kabila ang itinerary kung saan trip nila ang magtampisaw sa tubig para sulitin ang tag-init at siyempre, may mga tamang chill at team bahay. Kaya naman mapa-indoor o outdoor man ang trip natin ngayong summer, eh, go lang!

Sabi nga, “walang basagan ng trip”, ‘yun lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page