Kahit pa piling-pili ang nuts kapag binibili ito, besh! 7 BENEFITS SA PAGKAIN NG PILI NUTS
- Rona
- Apr 11, 2019
- 2 min read
No Problem

PILI minsan mani, pero madalas, hindi ikaw dahil dehins ikaw ang pinili. Aww, hugot! Usapang pagpili, knows ba ninyo na sa mga mani, ang pili nuts ang pinakamasustansiya sa lahat? Weh, ‘di nga? Kaya para maniwala kayo, narito ang mga benepisyong tinataglay nito:
1. NUTRIENT RICH KERNEL. Ang kernel ay mayaman sa manganese, potassium, calcium, fats, protein at phosphorous. Ito ang dahilan kung bakit nagiging masustansiya ang pili nuts. Dagdag pa rito, keri rin nitong i-improve ang lipid profile ng indibidwal.
2. PROMOTES HEART HEALTH. Dahil mayaman ang pili nuts sa Omega fatty acid, dehins lamang nito kayang i-improve ang ating blood circulation kundi keri rin nitong i-reduce ang panganib sa pagkakaroon natin ng cardiovascular disease. Sa katunayan, hinikayat ng “The American Heart Association” ang mga tao na mayroong problema sa puso na kumain ng mga pagkaing mayaman sa Omega fatty acid nang sa gayun ay mabawasan ang sakit na kanilang iniinda.
3. ANTIOXIDANT. Ang pili nuts ay mayroong antioxidant characteristics na nagmamantina upang maging maayos ang blood sugar level, i-promote ang muscle at tissue development, i-regulate ang enerhiya at tulungan ang katawan na labanan ang mga nasirang free radicals. Maliban pa rito, epektibo ring panlaban ang antioxidant sa cancer cell at nakapo-promote ito ng better skin health.
4. OVERCOME INSOMNIA. Sa mga beshy natin diyan na dehins makatulog sa gabi, knows ba ninyo na kayang pagalingin ng pili nuts ang inyong sleep deprived disorder? Paano? Ito ay dahil sa magnesium na taglay nito kung saan ito ang gamot para sa mga sintomas ng insomnia.
5. PROMOTES SKIN AND HAIR HEALTH. Sa mga problemado sa kanilang buhok at balat ngayong tag-init, don’t worry dahil pili nuts lang ang solusyon diyan. Dehins na ninyo kailangan pang magpa-salon para lang gumanda ang inyong buhok. Copy?
6. PROTEIN-RICH. Sabi ng mga eksperto, ang pili nuts ang pinakamasustansiyang mani sa mundo dahil ito ang pinakamayaman sa protina. Obvious naman, ‘di ba, dahil sa unang kagat, nanunuot na talaga ang texture nito sa dila? He-he-he!
7. PREVENTS TONGUE INFLAMMATION. Kung mayroon kayong sugat o singaw sa dila, besh, why not subukan ninyong kumain ng pili nuts na nakapagpapagaling dito dahil sa taglay nitong folic acid at Vitamin B9. Oh, ‘di ba, bongga?
Kaya naman kahit medyo mahal ang pili nuts, kung bet nating maging healthy, mga beshy, bili-bili rin ‘pag may time. Okie?




Comments