Um-attend sa party | 14 YRS. OLD NALUNOD, PATAY

PATAY ang 14-anyos na lalaki matapos malunod sa Nangka River sa Marikina City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng Marikina City Police ang biktima na si John Paul Diagan, 14.
Ayon sa pulisya, natagpuang walang buhay ang biktima at nakalutang sa Nangka River.
Agad umano itong isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.
Ayon sa nanay ng biktima, alas-8:00 ng gabi noong Abril 7, dumalo sa birthday party ng kaibigan ang kanyang anak na ginanap sa Nangka River.





Comments