Target nakapuslit | BAHAY NI-RAID, GRANADA AT 2 BARIL HULI

ISANG granada at dalawang uri ng kalibre ng baril ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng search warrant kontra sa isang lalaki sa Caloocan City, Martes ng umaga.
Armado ng search warrant na inisyu ni Hon. Raymundo Vallega ng RTC Family Court Branch 130 dahil sa paglabag sa RA 10591, pinuntahan ng raiding team sa pangunguna ni P/ Maj. Joebie Astucia ang isang bahay sa. Bgy. 150, Bagong Barrio, alas-7:00 ng umaga.
Wala sa kanyang bahay ang suspek na nakilalang si Randolph dela Cruz alyas “Rudy Hapon” nang ipatupad ng mga pulis ang search warrant.
Sa harap ng presensiya ng media, Barangay Kagawad Rodolfo Satsatin ng Bgy. 150 at kapatid ng suspek na si Rustan dela Cruz, hinalughog ng raiding team ang loob ng bahay at narekober ang isang granada, cal. 45 na kargado ng anim na bala at cal. 38 revolver na may limang bala.
Ayon sa pulisya, inisyu ang search warrant matapos makatanggap ang mga ito ng impormasyon na nag-iingat ng mga baril ang suspek.





Comments