top of page
Pokwang.jpg

Rider dedo sa nakaparadang trak

Pabs Hernandez III
Apr 10, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nitong motorsiklo sa likod ng nakaparadang trak, kamakalawa sa Bgy. Bagontapay, M'lang sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Moner Mamalintaw, nakatira sa Talunan sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Mamalinaw kaya bumangga ang motorsiklo nito sa nakaparadang trak.

Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa trak ay namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page