top of page
BIDA - JIM PAREDES, MINURA ANG 13 SENATORS NA NAGPATALSIK KAY SEN. TITO BILANG SENATE PRES

Pati hayop na walang kamalay-malay ginagamit sa politika, mga kandidatong asal-hayop!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

ASAL-HAYOP NA KANDIDATO—Viral ngayon sa social media ang isang aso na diniki­tan ng sticker na may mukha at pangalan ng kandidato sa pagka-alkalde sa Metro Manila.

Grabe, pati hayop gina­gamit sa pamomo­li­tika.

Malamang, ang kan­di­datong ‘yan, ang ugali niyan ay asal-hayop, buwisit!

◘◘◘

300K PINOY, MA­LAMANG HINDI NA MAGING SCHOLAR NG TESDA, SAK­LAP! — Ibinulgar ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na dahil daw sa ginawang pagtapyas ng mga senador sa P3 bilyon pondo ng TESDA na nakapaloob sa 2019 National Budget ay posible raw na mahigit 300,000 Pinoy ang hindi na mapagkakalooban ng scholarship ng TESDA.

Kung totoo ito, da­pat alamin ng mamama­yan kung sino sa mga senador ang tumapyas sa budget ng TESDA at kung may mga re-electionist, ibasura ang mga ‘yan sa eleksiyon, period!

◘◘◘

GAGAWIN DAW ALA-SINGAPORE ANG PILIPINAS, ‘YUN PALA GUS­TONG MAGING PROVINCE NG CHI­NA ANG BAN­SA — Kahapon ay Araw ng Kagitingan at isa sa pinag-usapang isyu sa social media ay ang “joke” noon ni P-Du­terte na nais niyang maging pro­binsiya ng China ang Pilipinas.

Sa totoo lang, hindi maganda ang “joke” na ‘yun ni P-Duterte kasi ang isa sa propaganda ng kampo niya noong 2016 presidential campaign ay gagawin daw ala-Singapore ng Du­terte gov’t. ang Pilipi­nas tapos nang manalo, sa harap ng Chinese ambassador, ang sabi ng pangulo, gusto raw niyang maging probin­siya ng China ang bansa, boom!

◘◘◘

POLICE STATION, GINAWANG BAR AT CASINO—Pinasibak ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa puwesto si Koronadal City Police Station Commander Lt. Col. Benjiel Bajo at walong tauhan nito nang mahuli sa aktong nag-iinuman at nagsusugal sa loob ng presinto.

Dapat lang silang sibakin kasi mantakin ninyo, ang police station ginawa nilang bar at casino, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page