top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paraan sa pagpaparehistro o pagre-renew ng accreditation sa PCUP, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

ANG pagpaparehistro o pagre-renew ng accreditation ng ating mga samahan, alyansa o pederasyon sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay importante upang mau­nang maka­tanggap ng iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno. Ang accreditation ay kadalasang ginagamit ng mga urban poor organization (UPO) upang magka­roon ng legal identity at maturingan na lehitimong samahan.

Hindi lamang iba’t ibang serbisyo at bene­pisyo ang maaari nating matanggap sa pagpapa­rehistro o pagre-renew ng ating accreditation. Madali ring matutu­gunan ang ating mga panga­ngailangan at concern tungkol sa isyu ng ebiksiyon o demolisyon, basic services at iba pa. Maliban dito, mauuna ring magiging bene­pisaryo ang accredited UPO ng PCUP Caravan, Adopt-a-Community at Urban Poor Privilege Card, ang three priority programs ng PCUP.

Tanong: Magan­dang araw, Sir Alvin! Ako ay lider ng Urban Poor Organization sa Maynila ngunit, expired na ang aming accreditation. Nais kong malaman kung ano ang mga hakbang na dapat naming gawin para ma-renew ang aming certificate? Maraming salamat! – Marissa

Sagot

Magandang araw, Marissa, para sa renewal ng accreditation ay mangyaring ipasa lamang sa tanggapan ng PCUP ang mga sumusunod: Accomplished Application Form, Minutes of the Election of Officers na pirmado ng inyong secretary, List of Officers na may kasamang litrato, address at contact number, kopya ng inyong amended constitution and by-laws kung may mga pagbabago mula sa orihinal na ipinasa, updated list of members, annual financial report na pirmado ng inyong treasurer, accomplishment report, sketch ng inyong lugar/site at official receipt ng inyong application fee.

Maaari tayong maka­kuha ng forms sa Central Office ng PCUP. Puwede rin kayong humingi ng tulong sa area coordinator sa inyong lugar upang mabigyan kayo ng assistance sa renewal ng ating accreditation. Siguradu­hin lamang na kumpleto ang requirements upang mapabilis ang pagpro­seso ng renewal ng inyong certificate.

Kung kayo ay intere­sado, may katanungan o suhestiyon, maaari kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na mata­tagpuan sa www. facebook.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUP­atyourService o mag-email sa pcup. media2019@gmail.com para sa karagdagang kaalaman tungkol sa ahensiya ng mga maralita.

Kung kayo po ay interesado, may katanungan o suhestiyon, maaari po kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.fb.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@ gmail.com upang higit pang matutunan ang tungkol sa ahensiya ng mga maralita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page