Pahinga raw muna dahil sa sakit… HIRIT NI KRIS, 'PAG 'DI SIYA NAKABALIK SA SOCIAL MEDIA, WA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PAHINGA muna sa social media ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos aminin ang kanyang totoong nararamdaman.
Sa recent Instagram post ni Kris kahapon (April 9), inamin niya na sa kabila ng pagiging masayahin at matapang niya sa kanyang mga social media posts, eh, may itinatago at iniinda siyang depresyon dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit.
Aniya, “For so long, bashers and trolls labeled me a “drama queen” and for about a year-they’ve been right. This has been my best acting in my life: outwardly showing you that I was keeping it together, when deep inside I’ve been consumed by real depression, primarily because of my complicated medical diagnosis.”
Ayon kay Kris, nagdesisyon siyang iwan muna ang Instagram dahil ayaw na niyang magpanggap na okay at kailangan niya itong gawin nang pribado.
Aniya, “I want to stop pretending I’m okay. I need to make peace with all that’s broken within me. And I need to do that PRIVATELY.”
Dahil kilala ang Queen of All Media sa pagpo-post ng kanyang saloobin sa social media, maraming netizens ang nagdududa kung kaya ba niya itong gawin, kaya ayon kay Kris, kontrolado niya ito at babalik siya kapag handa na siya.
“I’m sure you’re now making bets on how long this will last, BUT i’m taking control, so my return is up to me, when I’m ready. Sana, may mababalikan pa ‘ko. Kung wala, wala pong sisihan,” pahayag ni Kris.
Samantala, naka-off na ang comment section ng huling post ni Kris na nilagyan pa niya ng hashtags na #selflove, #healing, #privatelife at #anonymous.
Noong January, sa isang Facebook Live, inamin ni Kris na meron siya chronic disease na lupus.
“Ang inamin ko po sa inyo was the chronic spontaneous urticaria and that is true. I did not want to specify, because my attorney told me na huwag ko sabihin iyong mga allergies kasi pinapadali mo for your enemies to kill you.
“But now I can tell you the truth, I’m allergic to every single medicine that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka. All my doctors are doing now is delaying it. They’re delaying the inevitable,” ang naging pahayag ni Kris.
Bukod sa kanyang sakit, ongoing pa rin ang legal battle ni Kris laban sa kanyang dating manager at ex-business partner na si Nicko Falcis.





Comments