top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NM’S DELA CRUZ AT EMPERADO LIDER NA SA MCC FIDE RATED

Eddie M. Paez Jr.
Apr 10, 2019
2 min read

MAGKASALO sa li­derato ang mga National Masters na sina Noel Dela Cruz at Emmanuel Empe­rado dala ang kartadang 4.5 puntos ngayong pumasok na sa homestretch ang 2019 Metropolitan Chess Club (MCC) FIDE - Rated Standard Tournament sa Man­daluyong.

Kasama sa mga hinu­gutan ng buong puntos ni Dela Cruz, 3rd seed sa paligsahan, si NM Efren Bagamaspad (round 4), si 6th ranked Jose Carlo Castro (round 5) at ang mga junior chessers na si­na Cyrus Vladimir Francisco (round 1) at Carl Martin Arandillo (round 2). Naka­sikwat siya ng kalahating puntos sa teener na si Jericho Santiaguel noong pa­ngatlong yugto ng paligsa­hang inoorganisa ng MCC ni dating national women’s team mainstay Mila Em­perado.

Sina Marcus Timothy Imperial (round 1), James Riehyl Baligat (round 2), Lorenzo Cochanco (round 3) at Cedric Daniel Macato (round 5) naman ang nakatikim ng bangis ng 4th seeded na si Emperado habang nauwi sa draw ang sagupaan ng huli laban kay FIDE Master Nelson Maria­no III noong round 4.

Nasa grupo naman ng mga 4.0 pointers at naka­bun­tot sa lead pack si International Master Barlo Na­dera, second seed Mariano, Alwyn Sopungco at si Francisco.

Samantala, dalawang Pinoy woodpushers ang kabilang sa may malinis pang rekord sa ginaganap na Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Ulaan Baatar, Mongolia. Dalawang magkasunod na tagumpay mula sa dalawang salang sa boards ang ipinoste nina Grandmaster John Paul Gomez (no.8, rating: 2460) at ang 20-taong-gulang na si IM Paulo Bersamina (no. 11, rating: 2444) para makasama sila sa tumatrangkong grupo.

Kasama nila ang mga Mongolian woodpushers na sina FM Urtnasan Nasanjar­gal at Galmandakh Bardakh. Siyam na kalahok ang nakabuntot sa kanila sa taglay na 1.5 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page