Mga lalaking edad 12-14, ibinubugaw

Apr 10, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang lalaki sa Taguig City dahil sa umano’y pambubugaw sa mga batang lalaki.
Hinuli ang suspek na si Kristoffer Lee Sacramento matapos dalhin ang 3 batang nasa edad 12 hanggang 14 sa isang coffee shop para ipakita sa operatibang nagpanggap na kustomer.
Napag-alaman na may website ang suspek na kumukuha ng mga batang male model na ibinubugaw sa mga kliyente.
Nagpanggap ang mga pulis bilang kliyente at inalok ng suspek ng mga batang hawak nito. (BRT)





Comments