Mga Kapamilya atras, sa Kapuso raw humugot… KALAT NA: SANYA, IPAPALIT NG DOS KAY LIZA SA DARNA
- BULGAR

- Apr 10, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

PARE-PAREHONG tinanggihan ng mga young actresses na sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at Maja Salvador na gawin ang Darna movie.
Pero ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay willing na mag-audition para sa Pinay superheroine role.
Aniya sa interbyu ni MJ Felipe sa TV Patrol, kung bibigyan daw siya ng pagkakataon at nakapasa sa audition, papayag siyang mag-workshop at mag-aral ng martial arts.
But how true ang nasagap naming balita? Sa isang Facebook page na Pinoy History ay may nag-reveal na ang magiging next Darna ay mula sa rival network ng ABS-CBN, ang GMA-7.
Iisang aktres lang naman daw mula sa Kapuso ang puwedeng gumanap bilang Darna, at ito ay walang iba kundi si Sanya Lopez.
Diumano’y nakikipag-negotiate na ang Star Cinema sa Kapuso Network. Hindi naman daw imposible kung mag-collaborate ang dalawang big networks.
Nakarating na rin daw ang balita kay Sanya na laging sinasabing very loyal siya sa Kapuso Network at kung anuman daw ang magiging desisyon ng kanyang home studio ay kanyang susundin.
Pinasalamatan din umano ng Kapuso artist ang mga taong naniniwala sa kanya na kaya niyang bigyan ng justice ang isang iconic role.





Comments