Make sure na kumpleto ang laman ng iyong make-up kit, besh! MGA PARAAN PARA DEHINS MABURA ANG MAKE-U
- Jersey Sanchez
- Apr 10, 2019
- 2 min read

BEACH season na! Siyempre, hindi puwedeng haggard tayo kahit maliligo tayo sa dagat. ‘Yung iba riyan hindi naman talaga maliligo, magpi-picture lang sila para may pang-Instagram o profile picture sila. Hmmm… kaya naman para maiwasan ang pagiging haggard sa beach, narito ang ilang make-up tips na dapat ninyong gawin para fresh all day:
1.BASE. ‘Ika nga nila, a good base is equal to a good make-up. Kaya mga besh, para pak na pak ang beach day mo, make sure na plakado ang make-up base mo. Para ma-achieved ang “no make-up-make-up look”, mabuting gumamit ng base na mayroong manipis na consistency tulad ng BB cream o tinted sunscreen. Bukod sa nakapagbibigay ito ng coverage, mayroon din itong skin care benefits.
2.LASHES. Malaki ang impact nito dahil nakapagbibigay ito ng buhay sa ating mga mata, lalo na kung curled at volumized ito. Para ma-maintain ito, besh, mabuting gumamit ng waterproof mascara. Copy?
3.EYEBROW ON FLEEK. Mabura na ang lahat, huwag lang ang kilay. Agree? Ha-ha-ha! Inirerekomenda natin ang paggamit ng pangmatagalang produkto tulad ng pomada o kumbinasiyon ng brow pencil at clear brow gel. Sa paggawa ng iyong kilay, besh, mabuting maging gentle nang sa gayun ay maiwasan ang harsh lines para ma-achieved ang ‘natural’ look.
4.BLUSH. Sa pagkakataong ito, besh, hindi inirerekomenda ang paggamit ng powder blush dahil hindi ito natural tingnan. Mas mabuting gumamit ng cream blush o cheek tint dahil mas long-lasting at natural-looking ito, partikular ang mga kulay na nasa peach tone. Keri rin ‘yung drunk blush, besh!
5.LIPPIES. Ito ang kukumpleto sa inyong beach look, besh! Kaya para pak na pak talaga, mabuting gumamit ng kulay na malapit sa natural na kulay ng iyong mga labi. Kung hindi mo bet mag-lipstick, puwede rin ‘yung lip tint o tinted lip balm dahil malakas itong makabagets. Ganern!
6.POWDER. Optional lang naman ito, beshy! Kung hindi mo kailangang mag-powder dahil hindi oily ang balat mo, mabuti pa ring magkaroon nito dahil you never know kung kailan mo kailangang mag-retouch. Copy?
Easy lang, mga besh, ‘di ba? Kaya bago kayo bumiyahe papunta sa beach, make sure na kumpleto ang laman ng inyong make-up kit para pak na pak ang make-up look ninyo.
Have a great beach day, mga ka-BULGAR!




Comments