top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya kung napabibilang kayo sa Taon ng mga Kambing o Tupa, read n’yo ‘to! IBA’T IBANG KAPALARANG NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2019
  • 3 min read

SAMANTALA, kung ikaw ay Kambing o Tupa na isinilang noong mga taong 1955 at 2015, nga­yong Taon ng mga Baboy, magaan ang magi­ging pagpasok sa kabang-yaman mo ng mga materyal na bagay na halos hindi mo na paghihirapan pa, kaya naman kusang darami ang oras o panahon mo sa mga bagay na may kaugnayan sa mga gawaing panlibangan na lalo pang magpa­pasaya sa iyong buhay ngayong 2019.

Kung ikaw ay Kambing o Tupa na isinilang noong 1967, maraming magagandang balita ang darating sa iyo ngayong taon. Hindi lang magagandang balita ang darating, bagkus, darating din ang mga kaibigan at malalapit sa buhay mo na galing sa malalayong lugar at sa kanilang pagdating, ikaw ang unang-unang mababalatuhan at makikinabang nang husto. Maaari ring sobrang malibang ka sa magagan­dang kapalarang darating sa iyo, pero hindi ito dapat mangyari dahil kapag nakalimutan mo ang iyong responsibilidad, papangit ang dating maganda mong kapalaran. Kaya ngayong 2019, kahit anong ganda pa ng buhay o suwerte ang maranasan mo, panatilihin mo pa rin ang pagiging responsable kung saan patuloy ka pa ring gumawa ng mabuti at matuwid ayon sa iniatas ng iyong tungkulin. Sa ganyang paraan, hindi ka naging pabaya, hambog at mayabang, tuluy-tuloy mong mararanasan ang magandang kapalaran.

Kung ikaw ay Kambing o Tupa na isinilang noong 1979, ang lahat ng bagay ay magiging bago sa iyong paningin. Kaya dapat lang na itapon mo na ‘yung mga luma mong gamit tulad ng mga kasangkapan sa kusina na wala ng hawakan, bulok, basag-basag at may pingas. Sa mga bagong bagay na bibilhin o matanggap mo, ikaw ay tiyak na susuwertehin. Marami ring mga bagong pangyayari ang magaganap tulad ng bagong propesyon, pagkakakitaan, lupain, bahay, sasakyan, kasuotan, kakilala at maaari ring nakakikilig at bagong love interest.

Kung ikaw ay Kambing o Tupa na isinilang noong 1931 at 1991, bagama’t, magiging magastos ka ngayong Taon ng mga Baboy, smooth at kampanteng-kampante naman ang damdamin at mga pangyayaring magaganap sa iyo buong taon. Kumbaga, hindi ka masyadong malulungkot, mapapagod at mag-e-effort, pero ang lahat ng panga­ngailangan mo at magagandang kapalarang inilaan sa iyo ng langit ay kusa at suwabeng-suwabeng darating sa buhay mo.

Kung ikaw ay Kambing o Tupa na isinilang noong 1943 at 2003, kaila­ngang magpumilit at magpursige ka ngayong taon. Hindi puwedeng ang ipamalas mong attitude ay tulad ng kay "Juan Tamad" na nakahiga sa kawayang papag at maghapong nakanganga habang hinihintay niyang mahulog ang hinog na bayabas sa kanyang bunganga. Hindi mo dapat gawin ang ganu’n pag-uugali, sa halip, kung may nais kang makamit, mag-effort ka at habang nag-e-effort ka, ru’n lamang aani nang masagana at masarap na bunga ang bawat pagsisikap na iyong gagawin. Dagdag pa rito, sinasabing mag-ingat ka rin sa mga biglaang pakikipagrelasyong darating dahil may tendency na bigla rin itong ma­wawa­la. Kung nais mo ng panghabam­buhay na companion na magpapali­ga­ya sa iyo, hayaan mong unti-unting ma-develop ang inyong pagkakaibi­gan upang kapag ganito ang nangyari, ang nasabing ugnayan ay magiging maligaya at panghabam­buhay ng relasyon. Tandaan mong, ang mama­ha­ling ginto na nahuhukay sa ilalim ng lupa ay hindi kaagad makinis, ito ay idinaraan sa salaan hanggang sa ito ay kuminang. Gayundin, ang mga pangyayaring magaganap sa iyo ngayong 2019, kung paano mo napulot na medyo marumi, kailangang punasan at pagpalain mo ito nang maigi upang magkaroon ng halaga at ang halagang ito ang siyang magdadala sa iyo sa maunlad at maligayang karanasan.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page