top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

JUNEMAR, BAKA BOMALABS SA GAME 3

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2019
1 min read

MAY iniinda na namang siyento porsi­yentong sakit si June Mar Fajardo nang lumagapak na naman ito sa sahig noong Lunes ng gabi at matalo ang team San Miguel Beermen sa TNT KaTropa sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinal series.

Bumagsak sa sahig ang reigning Most Valuable Player sa 6:10 minuto ng laro matapos ang isang rebound at gitgitan kina Kelly Williams at Troy Rosario. Ilang minuto rin bago siya nakatayo at kailangang palitan ng ibang player. Agad namang nilapatan siya ng lunas ng mga doktor sa bench, hindi sa kanyang tuhod ang diperensiya kundi ang kanyang noo. “Yung acne lang, pumutok,” aniya matapos ang laro. “Okay lang, okay lang.”

Nagbalik laro si Fajardo sa nalalabing 2 minuto at 7 segundo at nagawa png tulungan ang San Miguel na makapatas sa iskor na 86 sa natitira na lamang na 1:43 na minuto. Ang malungkot lang sa Beermen, hindi sila nagtagumpay dahil nasundan pa ng isang tres ang kinana ni Troy Rosario sa nalalabing 64 segundo. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page