top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-manager ni Darren Espanto, patay sa saksak

  • Jeff Tumbado
  • Apr 10, 2019
  • 2 min read

NAKAHANDUSAY at wala ng buhay nang madiskubre sa loob ng bahay ang dalawang babae, kabilang ang manager ng kapamilya singer na si Darren Espanto sa Mabalacat City, Pampanga, noong Lunes.

Tadtad ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina Karwin Guevarra at Carmencita Pelayo, dating manager ni Espanto.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Roldan Tababa ng Mabalacat City Police, lumalabas na lumuwas patungong Pampanga mula Quezon City ang mga biktima upang makipagkita sa isa pang kaibigan na si alyas Regine.

May kukunin umanong malaking halaga ng pera ang dalawa na ipapasok sa kanilang account.

Nabatid sa ulat na sa mismong bahay ni Guevarra sa Bgy. Tabun pinaniniwalaang naganap ang transaksiyon kung saan doon din natagpuan ang bangkay ng magkaibigan na tila hinampas ng matigas na bagay sa ulo.

Base sa impormasyon na nakalap, buhay ang kaibigan ng mga biktima na si alyas Regine na ngayon ay person of interest kaugnay sa nangyaring krimen.

Ang una niyang kuwento sa imbestigador, siya raw ay pinalo ng unidentified suspect na-unconscious siya. Nagtulug-tulugan. Pagkagising niya, ganu’n na nangyari. Paniwala ng imbestigador, inconsistent ‘yung ibinigay niyang information. May mga nakitang galos sa kanyang katawan, sa mga kamay, paa, parang self-inflicted,” pahayag ni Tababa.

Matagal na umanong magkaibigan ang tatlo at may pagkakautang si ‘Regine’ sa dalawa, bagay na sinisilip sa imbestigasyon bilang isa sa mga motibo sa pagpaslang.

Itinuturing ng pulisya na suspek sa krimen si ‘Regine’ at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong double murder laban dito.

Samantala, labis ang pagdadalamhati ni Espanto matapos matanggap ang balita sa sinapit ng kanyang ‘Ate Cita’ na inilarawan nito bilang napakabait at maalalahaning tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page