Bangkay ng kelot, palutang-lutang sa pasig river
- Mylene Alfonso
- Apr 10, 2019
- 1 min read

NATAGPUANG lumulutang ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, kamakalawa ng umaga sa Pasig River na sakop ng Muelle dela Industria corner Frenza St., Binondo, Manila.
Ayon kay PSSgt. John Bucad, ng Manila Police District - Homicide Section, alas- 11:30 ng umaga nang mamataan ng concerned citizen ang lumulutang na bangkay kaya agad niya itong ipinaalam sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). Inilarawan ang biktima na nasa edad 25-30, may taas 5’4, mahaba ang buhok, kayumanggi, nakasuot ng berdeng t-shirt at maong na pantalon.
Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima kaya hinihinalang nalunod ito at tinangay ng alon sa nabanggit na lugar. Habang patuloy naman inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.





Comments