top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Bahay ginawang warehouse ng droga | KAGAWAD, TIMBOG SA P3.4-M SHABU

  • Jeff Tumbado
  • Apr 10, 2019
  • 1 min read

NATIMBOG ng pu­lisya ang barangay kagawad kasabay ng pagkakasamsam sa bahay nito ng nasa mahigit P3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang pagsa­lakay sa Talisay City, Cebu.

Bitbit ang search warrant, isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch at PDEU ng Cebu Provincial Police Office ang operasyon laban kay Kagawad Bimbo Ramos sa Barangay Lawaan III, Martes ng umaga.

Ayon kay Police Cap­tain Alejandro Batobalanos, hepe ng PIB ng Cebu Provincial Police Office, bukod sa pagiging protektor umano ng iligal na droga ang suspek, sa bahay pa nito iniimbak ang nasamsam na kontrabando na nagka­kahalaga ng P3.4 milyon.

Sinabi pa ni Batobalanos na pinapayagan umano ni Ramos ang ilang drug personalities na gamitin ang kanyang bahay bilang ware­house ng shabu.

Batay pa sa ulat, si Ramos ay dati nang may kaugnayan sa hini­hinalang drug lord na si Steve Go na napaslang ng pulisya sa drug raid sa loob ng Mandaue City Jail noong Hunyo 2018.

Nakumpiska sa bahay ni Ramos ang nasa limang malalaking plastic na nag­lalaman ng shabu at airgun rifle.

Nakapiit na sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) si Ramos habang inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page