7 timbog sa droga at bala

PITONG hinihinalang drug personalities ang arestado, kabilang ang isang sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga bala ng baril na target sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) P/ Lt. Melito Pabon, alas-8:00 ng gabi nang ikasa ng pinagsamang mga operatiba ng NPD-DSOU at Navotas City Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/ Col. Rolando Balasabas ang buy-bust operation of ammunition sa pangunguna ni PSMSgt. Joel Rosales kontra kay Rufino Ymas alyas “Pino”, 26, sa B-36, Lot 20, Phase 1-A, Bgy. NBBS.
Matapos iabot ni Ymas ang sampung piraso ng bala ng twelve gauge shotgun sa police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad inaresto ng mga operatiba ang suspek.
Arestado rin sa operasyon sina Melinda Lafuente, 49; Rexly Illustrisimo, 35; Diane Genodia, 33; Owen Gabito, 34; Judy Anne Mariel Lafuente, 22m at Joan Mansueto, 38, matapos maaktuhan ng police poseur-buyer sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay na ginagawa umanong drug den.
Ani DSOU Investigator P/Cpl. Bengie Nalogoc, narekober sa mga suspek ang 10 bala ng twelve gauge shotgun, buy-bust money, 10 sachets ng hinihinalang shabu, isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at ilang drug paraphernalias.





Comments