top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 dedbol sa motor

Gina Pleñago
Apr 10, 2019
1 min read

PATAY ang rider at ang angkas nito nang maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Malalang pinsala ang tinamo ng mga biktima matapos tumilapon at tumama sa puno ang ulo ng driver na si John Paul Loteriña, nasa hustong gulang, habang hindi na umabot ng buhay sa Las Piñas District Hospital ang angkas na si Goerge Lequigan.

Base sa ulat na natanggap ng Las Piñas City Traffic Bureau, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng J. Aguilar Ave., Bgy. Pamplona Tres ng siyudad ala-1:50 ng madaling-araw.

Sinasabing humaharurot ang motorsiklo na galing sa Alabang-Zapote Rd. nang mawalan ng kontrol pagdating sa pakurbadang daan sa J. Aguilar Ave.

Bagama’t, nakasuot ng helmet si Loteriña, nabatid na walang suot na helmet si Lequigan kaya napuruhan ang ulo nito nang nagpagulung-gulong dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Hinala rin ng pulisya na nakainom ng alak ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page