top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

15 yrs. old ni-rape ni ‘tatay’

  • Gina Pleñago
  • Apr 10, 2019
  • 1 min read

SWAK sa kulungan ang tricycle driver na inireklamo ng panghahalay sa 15-anyos na dalagita na anak ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. La Huerta, Parañaque City, Lunes ng hapon.

Hinuli ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang suspek na si Danilo Gamil, 54, ng Bgy. La Huerta habang kinilala ang biktimang si ‘Loren’, Grade 9 student, ng San Dionisio, Parañaque City.

Sa salaysay ni ‘Loren’, umalis ng bahay ang kanyang ina, ala-1:00 ng hapon at dito na sinamantala ng suspek ang pagkakataon saka hinalay ang biktima.

Pagtapos ng panghahalay, nagbanta umano ang suspek na huwag magsusumbong sa ina at papatayin sila kung magsusumbong ito.

Agad ipinagbigay-alam ng biktima ang sinapit sa kanyang tiyahin at nagsumbong sa mga awtoridad.

Mariing itinanggi ng suspek ang paratang sa kanya habang nahaharap ito sa kasong rape.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page