Sa kalsada natutulog kasama ang mga magulang na namayapa na
- BULGAR

- Apr 9, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Mylene ng Mylene_Sualog@face-book.com
Dear Professor,
Palagi kong napananaginipan ang tatay at nanay ko na matagal nang namayapa.
Sa panaginip ko ay nag-uusap kami palagi na parang buhay sila.
Madalas din akong nananaginip na sa kalsada raw kami natutulog ng pamilya ko, nagkakabit kami ng kulambo, tapos, maaga raw kaming nagigising kasi daraan daw ‘yung mga tricycle.
Nakararamdam daw ako ng hiya kasi sa kalsada kami natutulog kung saan may tulay na malapit.
Naghihintay,
Mylene
Sa iyo Mylene,
Ang panaginip tungkol sa mga patay na mga mahal sa buhay ay nagsasabing may mensahe sila na gustong ipaabot sa nanaginip.
Kadalasan, kaya sila nagpapaabot ng mensahe ay dahil ang nanaginip ay may tinatawag na “error in life.”
Ibig sabihin, may maling nangyayari sa kanila na puwede nilang baguhin para mabuhay sila sa kaayusan at kagandahan.
Kaya ang payo sa iyo ay suriin mo ang iyong sarili, kumbaga, may mali ba sa iyo?
Kung matuklasan mo na ang pagkakamali mo, sikapin mong baguhin ang buhay mo.
Nagbababala ng kahirapan o poverty ang napanaginipan mong natulog kayo sa kalsada.
Gayunman, ito rin ay nagbabalita na puwedeng mula sa kahirapan ay gumanda na ang inyong kapalaran, lalo na kung magagawa mong lumipat sa ibang tirahan o lugar.
Minsan, simple lang ang sikreto para gumanda ang kapalaran. Ito ay nagsasabing umalis ka sa malas na lugar.
May mga lugar kasi na hindi bagay sa partikular na pamilya o tao, kumbaga, ang law of compatibility ay hindi lang applicable sa pakikipagrelasyon o sa love life, ito rin ay nagagamit sa mga lugar.
Kaya kapag nakararanas kayo ng kahirapan, huwag na kayong mag-atubiling maghanap ng ibang lugar na titirhan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments