Nagpakalat ng sex video tiklo
- Pabs Hernandez III
- Apr 9, 2019
- 1 min read
LAGUNA—Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad, kamakalawa makaraang i-post nito sa social media ang sex video nila ng kanyang dating nobya sa Bgy. Canlalay, Biñan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Aries Fabrig, residente ng Bgy. Ilayang Palina, Liliw sa nasabing lalawigan.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Mylene”, matapos siyang makipag-break kay Fabrig ay ikinalat nito sa Facebook ang kanilang sex video kaya inireklamo at ipinahuli niya ito sa mga awtoridad.
Nakapiit na si Fabrig na nahaharap sa kasong cybercrime.





Comments