Mag-asawa niratrat ng riding-in-tandem
- Levi Gonzales
- Apr 9, 2019
- 1 min read

PATULOY ang manhunt operation ng mga awtoridad sa riding-in-tandem matapos pagbabarilin ang mag-asawa sa Bgy. Segunda Parang, Lumban, Laguna.
Base sa initial report, alas-4:40 ng hapon, sakay ng kanilang motorsiklo ang biktimang si Feliciano Rana, kasama ang misis nito.
Habang matulin ang takbo ng kanilang sasakyan nang biglang lumapit ang isa pang motorsiklo lulan ang hindi pa nakikilalang mga suspek.
Agad bumunot ng baril ang angkas nito saka makailang ulit na binaril ang biktima sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan bago nagsitakas.
Masuwerte namang galos lamang ang tinamo ng asawa nito. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.





Comments