top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kustomer nagkamali ng kuwarto, akala BF | ROOM BOY NAKA-SEX, KULONG SA RAPE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 9, 2019
1 min read

ARESTADO ang room boy ng isang lodging house sa Butuan City matapos ireklamo ng babaeng kustomer na nagkamali ng kuwartong pinasok at naka-sex nito.

Ayon sa suspek na si alyas Bert, residente ng Alegria, Surigao del Norte, nagpahinga lamang siya sa kalapit na kuwarto kung saan nag-check-in naman ang isang kustomer kasama ang kanyang kasintahan nang maramdaman umano niyang hinahalikan na siya na kanya namang sinabayan.

Napag-alamang umihi lamang umano ang babae subalit, nagkamali ng pinasukang kuwarto kaya laking- gulat na lamang nito na iba na ang kanyang katabi hanggang sa makasiping.

Dito na umano nagreklamo ang babae sa management ng nasabing lodging house.

Dahil nakauwi na, sa pulisya na lamang ng kanilang bayan sumuko si ‘Bert’.

Dinala ito sa Butuan City Police Office upang harapin ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng babae na nagkamaling pumasok sa kanyang kuwarto.

“Pumasok po siya sa kuwarto kung saan ako nagpapahinga, sir, kasi 24-hours akong naka-duty,” ani ‘Bert’.

“Bigla na lang akong pinaghahalikan tapos alam mo naman, sir, lalaki ako kaya nakipagsabayan na rin ako sir. Hindi naman po siya pumalag dahil nasasarapan din hanggang sa nakaraos din ako, sir. Lumabas po ako at sumunod po siya. Doon niya nalaman na iba ang nakasiping niya, sir. Makokonsidera po bang rape ‘yun, sir, eh, siya naman ang pumasok sa kuwarto at unang gumapang po sa akin?” dagdag na paliwanag ng suspek. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page