top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kelot ginulpi, utol rumesbak | CRIMINOLOGY STUDENT BINARIL SA MUKHA

Gina Pleñago
Apr 9, 2019
1 min read

PAGHIHIGANTI ang nasilip na motibo ng pulisya sa pagpaslang sa Crimino­logy student matapos pag­babarilin ng isang lalaki nang saktan umano ng biktima ang kanyang nakababatang ka­patid, sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si John Ray To­lentino, binata, graduating student ng Criminology, ng Bgy.145, Zone 16, ng lungsod.

Nabatid na may dala­wang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng ba­ril sa mukha.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Pasay City Police para sa ikadarakip ng suspek na si Toto Marcelino, ng Bgy. 148, Zone 16.

Ayon kay Pasay City Po­lice Col. Bernard Yang, alas-11:55 ng umaga nang maganap ang pama­maril sa panulukan ng Guiho at Gu­yabano Sts., Bgy. 187, Zone 20.

Base sa imbestigasyon, nakatayo at nagte-text ang biktima nang sumulpot si Marcelino sa harapan nito at naglabas ng baril saka pi­naputukan sa mukha.

Bumagsak ang biktima at agad isinugod sa paga­mutan ng mga bystander ngunit, binawian din ito ng bu­hay sanhi ng matinding tama ng bala sa mukha nito ha­bang mabilis na nakatakas ang suspek.

Sinabi ni Police Col. Yang, bago nangyari ang pag­patay sa biktima, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang nakababatang kapatid ng suspek noong nakaraang linggo.

Ginulpi umano ng bik­tima ang kapatid ng suspek at nang malaman nito ay niresbakan ang una at dito siya pinagbabaril na ikina­sawi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page